DRAGON TRIAD-MINDANAO MAFIA: MANILA- ‘Mass resignation’: 7 staff members ni Paolo Duterte sabay-sabay nagbitiw sa pwesto
.
.
MANILA, Philippines — Pare-parehong nag-alsa balutan mula sa kani-kanilang trabaho ang mga tauhan ni Davao Rep. Paolo Duterte, kasabay ng ugong-ugong na may problema sa pamamahala sa kanilang tanggapan.
Ang balita ay kinumpirma ng Davao congressman at presidential son sa isang pahayag, Huwebes.
Ilan sa mga sinasabing nag-resign ang ang kanyang chief of staff na si Sherwin Castan?eda at anim na iba pa. Wala namang binanggit na dahilan ang mambabatas sa likod ng “mass resignation.”
“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castan?eda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” wika ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Hoping for a smooth transition and a more effective office for the constituents of the 1st district of Davao City.”
Dagdag pa niya, halos napuno na rin daw ng nakababatang Duterte ang mga naiwanang posisyon sa tulong na rin ni ACT-CIS Rep. Eric Yap.
Sa ulat ng CNN Philippines, sinabi ni Yap na nakakukuha siya ng mga reklamo hinggil sa mga diumano’y mismanagement ni Castañeda — taong kanyang inirekomenda para sa nasabing posisyon.
Klinaro ni Yap na hinikayat niyang mag-resign ang mga staff members ni Duterte matapos makakita ng “minor lapses” sa kanilang pagtratrabaho.
Kilalang political family sa Mindanao ang pamilya ng presidente, na siyang dati ring nagsilbing alkalde ng Davao City.
Maliban kay Paolo, kasalukuyang naninilbihan bilang mayor ng Lungsod ng Davao ang kapatid na babaeng si Sara Duterte-Carpio, habang Davao City Vice Mayor naman ang nakababata nilang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte. — may mga ulat mula kay The STAR/Edu Punay at News5