BIZ-MEDIA-ABS-CBN: MANILA- ABS-CBN babalik na sa free TV?! Sa dating QTV

facebook sharing button

SHOWBIZ GANERN!
– Gorgy Rula
-Pilipino Star Ngayon

Wala pang nagkumpirma nitong nasagap naming balita, pero pinag-uusapan na pala sa kampo ng ABS-CBN 2 ang posibleng pag-ere ng mga prog-rama nila sa ZOE TV ni Bro. Eddie Villanueva na umeere bilang Light TV 33.

Familiar ang network ni Bro. Eddie dahil dito dati blocktimer ang GMA News TV.

Fourteen years ding may bloke ng mga programa ng GMA News TV na dati ay QTV.

Noong nakaraang taon lang natapos ang kontrata ng GMA News TV sa istasyon na ito ni Bro. Eddie.

Ngayon ay sa Light TV 33 na nga ang ZOE TV at alam nating religious station ito ng Jesus is Lord Fellowship.

Ang latest na narinig namin, ongoing na ang negosasyon pero mukhang tuloy na raw ang pagiging blocktimer ng ABS-CBN 2 sa ZOE TV, at inaayos na lang ang launching sa September 28 dahil ito raw ang pinu-push ng taga-ABS-CBN 2 na kung saan tinapos lang ang ghost month, pero hindi pa na-finalize ng ZOE TV.

Hindi pa namin alam kung anong mga Kapamilya show ang mapapanood sa ZOE TV, pero ang narinig lang namin, gusto raw nila ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To.

Kung matutuloy ito, may mga limitation siguro sila sa mga ieere dahil religious station nga itong Light TV 33.

Ang alam ko, bawal ang mga patalastas na alak, hindi puwede ang mga beauty contests, at siguro limitado rin ang tipo ng mga patawa at palandi-landi ni Vice Ganda.

May ilan na nga akong napagtanungan at sinasabi nilang matagal na raw ang negosasyong ito. Ngayon lang daw nakipagsara ang ZOE TV dahil gusto rin daw nilang makabalik sa trabaho ang karamihang taga-ABS-CBN 2.

Abangan na lang natin ang pagbabalik ng mga programa ng ABS-CBN 2 sa free TV.

.

 

Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

..

Dyowa ni Mark, preggy na

Narinig naming may ia-announce daw si Mark Herras sa YouTube channel nila ng fiancée niyang si Nicole Donesa.

Ang daming naintriga kung ano ito, pero ayaw ni Mark na magbigay ng ideya.

Ang duda ng ilang taong malapit sa dalawa ay baka raw nagdadalangtao na si Nicole.

Kapansin-pansin kasi ang pagdag-dag ng timbang ni Nicole at nakakaintriga rin daw na hindi nakikita ang kabuuan niya.

Ang ilang posts ni Mark sa Instagram account niya ay nakatago si Nicole sa likod ni Mark at meron ding bandang taas lang niya ang nakikita.

Sabi ni Mark, sinu-shoot pa raw nila ang ipapalabas nila sa kanilang
YouTube channel na kung saan doon na rin ang announcement.

Big reveal kaya ito sa kalagayan ni Nicole o announcement sa balak nilang pag-iisang dibdib?

 

Ads by: Memento Maxima Digital
Marketing @ [email protected]
SPACE RESERVE FOR  ADVERTISEMENT

..

Alden sa ‘Balcony’ muna

Bukas, August 28 na pala magti-taping si Alden Richards sa bagong drama

anthology ng GMA 7 na I Can See You: Love on the Balcony. Kasama niya rito sina Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno.

Iba-ibang kuwento ito na tatampukan ng mga Kapuso star gaya nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Paolo Contis, Tom Rodriguez, Andrea Torres, Winwyn Marquez at Rhian Ramos.

Ito muna ang mga bagong programang mapapanood na drama habang hindi pa nakakabalik sa regular taping ang lahat ng kanilang drama series.

.


SIGN UP TO RECEIVE OUR EMAIL
.
The most important news of the day about the ASEAN Countries and the world in one email:  [email protected]

8.31.2020

It's only fair to share...Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterEmail this to someonePrint this page